Sagot :
Ang gamit ng bato noong sinaunang panahon ay para sa paggawa ng apoy at paggawa ng gamit sa pangangaso. Sa pamamagitan ng bato, nakagawa ng apoy ang ating mga ninuno upang maproteksyunan sila sa lamig at mababangis na hayop. Naging paraan din ang bato para sa pangangaso ng mga ninuno na kailangan upang magkaroon ng pagkain ang mga sinaunang tao.
Halimbawa ng Gamit ng Bato noong Sinaunang Panahon
Ang dalawang pangunahing halimbawa ng gamit ng bato noong sinaunang panahon ay ang mga sumusunod:
- Ginamit ang bato para sa paggawa ng apoy. Ang bato ay ginamit upang makagawa ng apoy. Ang apoy ay mahalaga noon bilang proteksyon ng mga ninuno laban sa lamig at mababangis na hayop. Ang apoy rin ay mahalaga upang makapagluto ang mga sinaunang tao noon.
- Ginamit din ang bato para sa paggamit ng gamit para sa pangangaso. Ang pangangaso naman ay mahalaga rin upang magkaroon ng pagkain ang ating mga ninuno.
Gamit ng Bato sa Panahon Ngayon
- Ngayon, patuloy na nagagamit ng mga tao ang bato, hindi lamang para sa paggawa ng bahay at mga imprastraktura, kundi pati na rin sa pag-aaral ukol sa kasaysayan.
- Ang mga bato ay mahalaga upang magkaroon ng ideya ang mga dalubhasa tungkol sa tagal ng mundo. Dahil sa mga katangian ng iba't ibang bato, ang mga ito rin ay nagbibigay ng ideya kung paano ba namuhay ang ating mga ninuno noon.
Iyan ang mga halimbawa ng gamit ng bato noong sinaunang panahon. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:
Iba pang kahalagahan ng bato noong sinaunang panahon: https://brainly.ph/question/33684, https://brainly.ph/question/62148 at https://brainly.ph/question/417204