Ano ang kahulugan ng produksyon

Sagot :

Ano ang kahulugan ng produksyon ?

Ang Produksyon ay isang pamamraan ng paggawa ng isang produkto gamit ang hilaw na mga materyales na benibili sa loob o labas ng bansa. Ang Produksyon ay isang uri ng negosyo na kong saan ginagamitan ng mga makenarya para makaboo ng produkto na kailangang e benta sa merkado o mga supermarket para sa pangangailangan ng mga konsumedor. Ang produksyon ay tumutukoy sa pagkilala ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Ito ay nagaganap bunga ng pangangailangang magkunsumo ng mga produkto at serbisyo upang mabuhay. sa produksyon din nakasalalay ang pagtugon sa pangangailangan at kagustuhanng tao at kung walang produksyon, walang pagkunsumo.Tandaan din na hindi laging nakikitang produkto ang ibig sabihin ng salitang produksyon.  

Tatlong pamamaraan ng produksyon.

  1. Input – Ito ay pangunahing pamamaraan ng pagkakalap ng hilaw na mga sangkap.
  2. Process – Pangalawang pamamaraan ng pagpoproseso ng hilaw na sangkap.  
  3. Output – Pangatlong pamamaraan ng pagsasaayos ng mga tapos na produkto katulad ng lalagay ng packaging, labelling at distribution para maibenta sa merkado.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng produksyon pindutin lamang ang link sa ibaba.

https://brainly.ph/question/248417

Mga salik ng produksyon .

  • Lupa – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto at pinagtatayuan ng mga planta, gusali, pabrika at iba pang imprastraktura pinanggagalingan ng hilaw na sangkap
  • Paggawa – Ito ay tumutukoy sa pisikal at mental na kakayahan o lakas ng tao upang makapaglingkod at makalikha ng produkto Produktibong Manggagawa.
  • kapital – Ito ay tumutukoy sa pera na kakailanganin sa pag bili ng mga hilaw na materialis, makenaryas, bahay, kagamitan, gusali at iba pang imprastaktura upang magamit sa produksyon o paggawa ng produkto o serbisyo.
  • Entreprenyur – Ito ay tumutukoy  sa may ari ng negosyo o pagawaan,siiya ang may kakayahang pagsama-samahin ang 3 salik ng produksyon. Ang katangian ng isang entreprenyur ay isang risk taker, Malikhain.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga salik ng produksyon pindutin lamang ang links na nakasaad sa ibaba,

https://brainly.ph/question/244695

https://brainly.ph/question/1061654