Ayon sa Heograpiya, ang Gresya ay matatagpuan sa Timog-Silangang bahagi ng Europa kung kaya't bukas ang mga daungan nito sa mga mangangalakal. Ang pangangalakal sa ibang mga kabihasnan sa pamamagitan ng pagdaong sa mga bahagi ng teritoryo ng Gresya ay nakatulong sa pang-angat ng estado ng kanilang pamumuhay. Ang Gresya ang nagsilbing daanan ng mga mangangalakal patungo sa iba pang panig ng mundo. Malaki rin ang naitulong sa kabuhayan ng mga mamamayan ng sinaunang Gresya ang bahagi ng kabundukan na nagsilbing sentro ng komersyo sa buong lungsod.
#BetterWithBrainly
Kultura ng sinaunang Gresya: https://brainly.ph/question/437236