Sagot :
Ang pang-araw-araw na pamumuhay sa sinaunang Athens ay kasiya-siya at kapana-panabik dahil ang mga Griego noon ay mayroong mga teatro, mga matatalinong pilosopo (philosophers), pakikibahagi sa pulitika, ang iba ay mga atleta (athlete), at nalinang nila ang sining sa pagsasalita sa mga agora (mga maluluwang na pampublikong lugar sa sentro ng lungsod). Karaniwan lang sa kanila na ang karamihan ay pagsasaka ang ikinabubuhay. Ang mga mamamayan noon ay may mga lupain kung minsan sa labas ng lungsod na siyang pinagkukunan nila ng ikabubuhay.
Pamumuhay ng mga Kalalakihan
Ang mga lalaki lamang noon ang kinikilalang mga ganap na mamamayan (citizens), kaya karamihan ng mga gawain sa araw-araw ay sila ang gumagawa. Sila ang nagpupunta sa mga pamilihan, may mga trabaho, at nag-aalaga ng mga lupain. Sila ang bumibili halos lahat ng pangangailanagan sa bahay o para sa pamilya. Kung hindi naman sila sinasanay na maging mga mandirigma, pinag-uusapan nila karaniwan ang tungkol sa pulitika. Kung minsan sila ay nanonood sa mga teatro na nagtatanghal tungkol sa mga trahedya o komedya bilang libangan. Mayroon silang karapatang bumoto, di-gaya ng mga babae. Ang mga lalaki lang din ang pinapahintulutan na mag-aral sa mga paaralan.
Pamumuhay ng mga Kababaihan
Ang mga kababaihan noon ay halos ginugugol ang buong buhay nila sa bahay lamang. Bahagi na ng kanilang buhay ang mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, paghahabi, pananahi, at iba pang gawain sa bahay. Hindi sila maaaring makibahagi sa mga pampublikong gawain at pulitika. Kaya karaniwan lamang na ang mga babae noong panahong iyon ay mapuputi o mapuputla ang kutis. Isang pampublikong gawain lang ang puwedeng gawin ng mga kababaihan noon, iyon ay ang maging isang priestess sa mga templo.
Pamumuhay ng mga Bata o Kabataan
Ang mga batang lalaki ay pinag-aaral para matutong bumasa, sumulat, at magkabisado ng mga gawa ng kilalang pilosopo. Kung gusto ng isa na magkaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng pulitika, kailangan niyang magsikap na mag-aral. Kung minsan may mga private tutor sila. Ang mga batang babae naman ayt nananatili lamang sa bahay kasama ng kanilang mga ina para matuto sa mga gawain sakaling sila ay bumukod na. Sa paglaki ng mga batang lalaki dadaan na sila sa mga proseso para maging ganap na mamamayan. Samantala ang mga batang babae na tumuntong sa edad na 13 ay karaniwan ng nag-aasawa. Sa panahon na sila ay kasal na, sila na ang magaasikaso sa sambahayan ng kanilang asawa.
Para sa karagdagang imposmasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/524108
https://brainly.ph/question/1831960
https://brainly.ph/question/426797