ano ang kahulugan ng mycenean


Sagot :

Ang Mycenaean (Mycenaean Greece o Mycenaean civilization) ay tumutukoy sa isang sibilisasyon sa Gresya na umusbong noong Bronze Age sa sinaunag Gresya na sumasaklaw sa panahong 1600 – 1100 BC. Nakuha nito ang pangalan sa lugar ng Mycenae sa Peloponnesos.  Ito ang kauna-unahang masulong na sibilisasyon sa mainland ng Gresya, dahil sa kaniyang mga estadong mala palasyo sa luwang at ganda, kaayusan sa mga pook urban, sa mga gawang sining, at sa sistema ng pagsusulat.

Nag-ugat ang sibilisasyong ito at umusbong mula sa lipunan at kultura ng Early at Middle Helladic period sa mainland ng Gresya sa ilalim ng impluwensya ng Minoan Crete. Sa pagtatapos ng Middle Bronze Age, kapansin-pansin ang paglaki ng populasyon at bilang ng mga tumitira sa lugar. Dumami din ang bilang ng mga sentro ng kapangyarihan na pinamumunuan ng lipunan ng piling mandirigma (elite military society).

Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/223004

https://brainly.ph/question/63085

https://brainly.ph/question/856346