ano ang kahulugan ng /BA:ba/ at /ba:BA/

Sagot :

Ang kahulugan ng /BA:ba/ at /ba:BA/ ay narito. Ang /BA:ba/ ay isang parte ng mukha ng tao. Ang /ba:BA/ naman ay nangagahulugang ilalim. Kahit may parehong baybay ang /BA:ba/ at /ba:BA/, magkaiba ang kahulugan ng dalawang salitang ito dahil sa diin. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng /BA:ba/ at /ba:BA/ ay nasa ibaba.

Kahit na may parehong baybay ang /BA:ba/ at /ba:BA/, magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita na ito dahil sa diin. Alalahanin na ang diin ay nasa parte ng salita na naka-kapital ang mga letra.

Ang kahulugan ng /BA:ba/ at /ba:BA/ ay ang sumusunod:

I. /BA:ba/

  • Kahulugan: isang parte ng mukha ng tao
  • Halimbawang pangungusap: Si Ai-Ai Delas Alas ay isang sikat na komedyante sa Pilipinas na ipinagmamalaki ang kanyang baba.  

II. /ba:BA/

  • Kahulugan: sa ilalim
  • Halimbawang pangungusap: Itinago ko sa baba ng kama ang nakakalat mong mga libro.

Iyan ang kahulugan ng /BA:ba/ at /ba:BA/.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa.

https://brainly.ph/question/1754243

https://brainly.ph/question/1753288

https://brainly.ph/question/271692