Answer:
Ang bundok ang sinasabing pinakamataas na uri ng anyong lupa, ito rin ay matarik kaysa sa burol. Ito ay may malaking sukat na bahagi ng lupa na nakausbong at yari sa mga bato at lupa. Nagmumula dito ang tubig sa mga ilog kaya malaki ang kahalagahan nito para sa pamumuhay ng mga tao. Marami rin na bundok sa bansa ay itinuturing na bulkan na siyang may butas sa tuktok na nilulusutan ng mga abo, lava pati na rin gas.
Ang Bundok Apo ay makikita at matatagpuan sa Davao, Mindanao na itinuturing na pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Mayroon itong sukat na 2,954 metro.
Ang Bundok Pulag ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa Luzon na mayroong sukat na 2,842 metro.
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/2263259
#LetsStudy