Anu-ano ang mga bansa sa Silangang Asya?

Sagot :

Ang Silangang Asya (East Asia) ay ang silanganing bahagi o rehiyon ng kontinente ng Asya. Ang mga bansa napapabilang dito ay ang:

  1. China
  2. Hong Kong
  3. Japan
  4. Macau
  5. Mongolia
  6. North Korea
  7. South Korea
  8. Taiwan

Upang malaman ang mas maraming detalye ukol sa mga bansa sa Silangang Asya, pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/298614

May dalawang paraan o kategorya ang puwedeng pagbatayan para matukoy kung aling mga bansa ang kabilang sa Silangang Asya. Iyon ay sa pamamagitan ng:

  • Heograpikal
  • Ethno-Kultural na batayan.

Bahagi ng Silangang Asya sa Kultural na kategorya:

  1. China
  2. Japan
  3. Korea
  4. Vietnam

Bahagi ng Silangang Asya sa Heograpikal at Geopolitikal na kategorya:

  1. China
  2. Hong Kong
  3. Macau
  4. Taiwan
  5. Japan
  6. Mongolia
  7. North Korea  
  8. South Korea

Ang Kasaysayan ng Silangang Asya ay sumasaklaw sa mga kasaysayan ng Tsina, Hapon, Korea, at Taiwan mula sa mga sinaunang panahon. Ang rehiyon ng Silangang Asya ay hindi pare-pareho at ito ay may sukat na  39,499,743.

Upang malaman ang mas maraming detalye ukol sa sukat sa Silangang Asya, pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/171427

Katangiang pisikal ng Silangang Asya

Ito ay binubuo ng mga sumusunod:

  • bulubundukin
  • talampas
  • disyerto  
  • isla

Upang malaman ang mas maraming detalye ukol sa Katangiang pisikal ng Silangang Asya, pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/350043