paano nakakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao

Sagot :

Answer:

Paano nakakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao

Napakalawak ng sakop ng pag-iisip ng tao. Wala pang pag-aaral na nagpapatunay na ito ay may hangganan. Sa lawak nito, iba't ibang pag-aaral na ang nagawa na nagsasabi na ang utak o ang pag-iisip ng tao ay may kinalaman sa persepsyon, katangian, at mismong pagkatao nito. Sa pag-aaral na ginawa ni Sigmund Freud, isang siyentipiko, natuklasan niya ang Psycho-Analytical Theory of Personality na nagpapaliwanag ng mga pangyayari sating buhay at ang relasyon nito sa pagkilos at proseso ng utak na nakaaapekto ng personalidad ng tao.

Ano ang Psycho-Analytical Theory

Sa teyoriyang ito, ipinapaliwanag na ang tao ay may tatlong antas ng pag-iisip:

  • Id - ito ang bahagi ng pag-iisip na taglay ng tao mula ng siya ay ipinanganga tulad  ng paghinga, pagkain, pagtulog. Kasama rin dito ang gutom, uhaw, pagdumi, at iba pang proseso ng katawan na kinokontrol ng utak. Habang lumalaki at tumatanda, ang mga bugso ng damdamin at pagnanasa ay lumalabas at napapansin. Kung ang isang tao ay napangungunahan ng kanyang id, mahirap sa kanya ang maghintay ng matagal sa isang restawran kung siya ay nagugutom na. Maaaring maging bayolente o gumawa ng hindi kanais-nais dahil sa kanyang gutom.
  • Ego - ito naman ang bahagi ng pag-iisp na kung saan namamahala sa mga pangkasalukuyang gawain at proseso. Ang ego ang namamahala na matugunan ng katawan ang mga pangangailangan ng id kaya tayo ay kumikilos ayon sating mga nararamdaman tulad ng pagluluto para kumain, nagsasabon dahil sa kagustuhang maging malinis, nagkakape dahil sa kagustuhang hindi antukin. Ito rin ang namamahala sa mga impormasyong nakukuha sa bawat aksyong ating ginagawa. Ito ay iniimbak ng ating utak bilang memorya at kapag kinailangan na ay prinoproseso ng utak upang tumugon sa pangangailangan. Halimbawa nito ay ang pagsusulat ng pangalan sa papel. Dahil natutunan natin itong isulat, kapag tinanong tayo kung ano ang pangalan natin, ay nasasagot natin ng tama ang nagtatanong satin.
  • Superego - ito naman ang namamahala sa mga kaugalian at emosyon ng tao. Ito pumapasok ang mga mahahalagang kaugalian na natututunan natin mula sating pamilya at komunidad. Ito rin ang namamahala sa mga moral na aspeto ng buhay. Ito ay ginagamit natin sa pagdedesisyon kung ano ang tama o mali, mga dapat gawin at dapat iwasan. Halimbawa nito ay ang pag-ibig, pagka-awa, pagka-muhi, pakikipagtulungan, at iba pa. Ang taong pinangungunahan ng superego ay ang mga taong sinusunod ang kanyang mga prinsipyo sa buhay kahit na mahirap o kung minsan ay hindi makatuwiran para sa karamihan. Halimbawa nito ay ang pakikipagrelasyon sa mas batang kapareha kahit na malaki ang agwat ng edad dahil para sa iyo, hindi hadlang ang edad sa pagmamahal.

Ano ang epekto ng psycho-analytic theory sa tao

  • Dahil sa teyoryang ito, napatutunayan na ang lahat ng aksyon o kilos, maging ang ugalik, personalidad, at pagkatao ay pinangungunahan ng utak. Walang nangyari sa buhay ng isang tao na hindi nya ito alam.
  • Ito rin ang dahilan kung bakit magkakaiba tayo ng personalidad dahil iba-iba ang bahagi ng utak natin ang nangunguna satin. Ang ilan ay pinangungunahan ng id, ang iba ay ego, at ang iba ay superego.
  • Malaking tulong ito upang mas maintindihan natin ang ating kapwa at ang kanilang mga dahilan kung bakit nila ito nasabi o nagawa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa, maaaring buksan ang  link sa ibaba:

  • Ano ang kahulugan ng personalidad https://brainly.ph/question/664404

#BetterWithBrainly