1. Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, iniluwal ang kabihasnam sa Sinaunang India sa mga ilog at lambak ng Indus na nasa hilagang kanlurang bahagi ng India. Umunlad ang kabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
2. Pinagyaman at nilinang ang lupain ng Fertile Crescent ng ilang malalaking ilog,
kasama na rito ang Tigris at Euphrates na tinaguriang Kambal na Ilog. Mataba ang lupa sa Mesopotamia. Naghatid ng maraming biyaya at kayamanan sa mga tao roon ang mga tabing-ilog. May walong kabihasnan ang unang nagtayo ng panahanan sa Mesopotomia dahil sa magandang katangian ng heograpiya nito lalo na ang Kambal na Ilog Tigris at Euphrates.
3. Sa lambak ilog ng Huang-ho naitatag ang pinakaunang dinastiya sa kasaysayan ng Tsina.