ano ang halaga ng iyong kaibigan sa iyo bilang tao? Ipaliwanag

Sagot :

Ang kahalagahan ng kaibigan ay ang pagiging kaagapay at sandalan ng isang tao sa hirap at ligaya.  Dahil sa isang panlipunang nilalang ang isang tao, natural lang na nangangailangan siya ng karamay  upang panatilihing malusog ang kanyang isipan. Sa aking pananaw, hindi nasusukat ang halaga ng isang  kaibigan. Hindi rin kinakailangang nakabatay sa mga kondisyon ang pagkakaibigan. Ang pagkakaibigan  ay nararapat pinangangalagaan at hinahanapan ng solusyon kung sakaling magkaproblema man. Ang tunay na  kaibigan ay parang isang boteng gawa sa salamin. Kung mababasag maaaring hindi na maibabalik sa orihinal  na anyo.