Ang asamblea (assembly) ay tumutukoy sa pagtitipon ng grupo ng mga tao para sa iba’t-ibang dahilan. Maaaring pagtitipon may kaugnayan sa negosyo, relihiyon, o iba pang bagay.
Mula ito sa Middle English na salitang assemblee, na mula sa Anglo-French namang salita na assembler.
Halimbawa sa Pangungusap:
- May asambleang ginaganap ngayon sa munisipyo para sa mga Senior Citizens.
- Nagsa-ayos ng asamblea ang unibersidad para sa mga propesor at guro nito.
- Marami akong natutuhan sa asamblea na tungkol sapag-iingat at kaligtasan na dinaluhan ko nitong nakaraang lingo.