5 halimbawa ng payak na pangungusap

Sagot :

Halimbawa Ng Payak Na Pangungusap

Ang payak na pangungusap ay nagtataglay lamang ng isang pangungusap. Narito ang limang halimbawa:

  1. Matulungin na bata si Gabriel.
  2. Ang mga bata ay hindi pinapayagan lumabas ng bahay.
  3. Sina Lolo at Lola ay bibisita sa bahay sa darating na Linggo.
  4. Si Lesley ay isang matalino at masipag na mag-aaral.
  5. Ang pagsisinungaling ay hindi mabuting gawain.

Mga Anyo Ng Payak Na Pangungusap

Ang payak na pangungusap ay isa sa mga uri ng pangungusap. Ito ay may tatlong anyo, PS - PP, PS - TP at TS - PP. Ang PS - PP ay nangangahulugang payak na simuno at payak na panaguri. Ang PS - TP naman ay nagtataglay ng payak na simuno at tambalang panaguri. At ang huli, ang TS - PP ay nagtataglay ng tambalang simuno at payak na panaguri.

Ang mga payak na pangungusap na nasa bilang 1, 2 at 5 ay halimbawa ng anyong PS - PP. Ang bilang 4 ay halimbawa ng PS - TP. At ang bilang 3 naman ay halimbawa ng TS - PP.

Kung nais malaman ang iba pang uri ng pangungusap, bisitahin ang mga links.

Mga Halimbawa ng Tambalang Pangungusap:

https://brainly.ph/question/283778

Mga Halimbawa ng Hugnayang Pangungusap:

https://brainly.ph/question/216880

#LearnWithBrainly