ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan ipaliwanag ang bawat isa

Sagot :

Pagkamit sa layunin ng lipunan

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin upang makatulong tayo sa pagkamit ng layunin ng isang lipunan

  1. Makiisa sa mga programa ng pamahalaan - sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga programa ng pamahalaan, natutulangan natin ang ating sarili at komunidad upang makamit ang kaunlaran. Halimbawa: tree planting activities
  2. Sumunod sa mga patakaran ng komunidad - mahalaga na sumunod tayo sa mga batas upang makamit natin ang kapayapaan at maayos na pamumuhay
  3. Maging produktibong mamamayan - sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maayos o hindi kaya ay pag aaral ng mabuti, tayo ay nakakapagbigay ng kontribusyon para sa kaunlaran ng komunidad

Para sa karagdagang kaalaman:

  • Kahulugan ng lipunan https://brainly.ph/question/1478704
  • Bakit mahalaga ang lipunan? https://brainly.ph/question/560191

#LetsStudy