Ano ang denotasyon at konotasyon ng: 1. puso 2. lungga 3. daga 4. bagyo 5. tahanan

Sagot :

1. Puso
Denotasyon: Ito ay ang bumubuhay sa atin
Konotasyon: Ito ang sumisimbolo sa pagmamahal

2. Lungga
Denotasyon: Ito ang taguan o bahay ng isang maliit na hayop.
Konotasyon: Ito ay sumisimbolo bilang taguan ng nararamdaman

3. Daga 
Denotasyon: Ito ay isang hayop na maliit.
Konotasyon: Ito ay sumisimbolo ng kadumihan ng isang tao o bagay.

4. Bagyo
Denotasyon: Ito ay isang namumuong sama ng panahon, malakas na pagulan at hangin.
Konotasyon: Ito ay sumisimbolo sa pagkawasak.

5. Tahanan
Denotasyon: Ito ay ang tirahan o kinalalagyan ng isang tao o hayop upang doon gumawa ng mga aksyon at doon mamuhay.
Konotasyon: Ito ay sumisimbolo sa kinaroroonan.