Sagot :
Anong Sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili at paggamit ng mga pinagkukunang yaman
Ang tamang sagot sa tanong sa ibaba ay Ekonomiks. Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nagbibigay kaalaman tungkol sa tamang pagpili at paggamit ng mga pinagkukunang yaman. Ang ekonomiks ay hango sa salitang griyego na oikonomia na ang ibig sabihin ay pamamahala ng sambahayan. Ang ekonomiks ay isang Agham panlipunan na tumutukoy sa pagsusuri ng pagkilos, pagsisikap ng mga tao at paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.
Mga nagpalaganap ng kaisipan ng ekonomiks.
- Xenophon – nagbibigay ng ideya tungkol sa mabubuting pamamahala.
- Plato – nagbibigay ideya tungkol sa division of labor.
- Aristotle – nagbibigay ideya tungkol sa pribadong pagmamay-ari.
- Mercantilist – nakapagbigay ideya tungkol sa paglikom ng yaman tulag ng ginto pilak at lupa.
- Francois Quesnay – nag sasabing ang Pagbibigay halaga sa kalikasan at wastong paggamit ng likas na yaman ay nakakatulong upang mapanatili ang mga ito.
Mga ekonomista nagsulong ng kaisipang ekonomiks.
- Davis Ricardo – siya ang may author ng Law of Diminishing Marginal Returns at Law of Comparative Advantage
- Thomas Robert Malthus - Binigyang-diin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon, sabi ng kanyang Malthusian Theory Mas mabilis lumaki ang populasyon kaysa sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa.
- John Maynard Keynes - Sumulat ng aklat na General Theory of Employment, Interest, and Money
- Karl Marx – Siya tinaguriang ama ng Komunismo siya ang Sumulat ng Das Kapital at Communist Manifesto kasama si Friedrich Engels si Karl marx ay Naniwala sa pagkakataon ng pagkakapantay ng tao sa lipunan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ekonomiks na isang sangay ng agham panlipunan, pumindut lang sa mga links:
https://brainly.ph/question/312285
https://brainly.ph/question/629042
https://brainly.ph/question/309758