Sagot :
Ang pang-araw-araw na pamumuhay sa Mesopotamia ay nakadepende sa katayuan ng isa sa lipunan. Gaya ng karaniwan, ang mga tagapamahala ang may mataas na antas ng pamumuhay. Kabilang din sa mga upper class ang mga pari o relihiyosong mga lider, at mga eskriba. Kabilang naman sa middle class ang mga manggagawa (craftsmen), mga mangangalakal, at mga tagapaglingkod sibil. Ang mga kabilang naman sa lower class ay ang ibang mga manggagawa at mga magsasaka. At ang nasa pinakamababang katayuan sa lipunan ay ang mga alipin.
Ang mga kababaihan noon ay itinuturing na di-kapantay ng mga lalaki. Pero hindi tulad sa sinaunang Gresya at Roma, pinahihintulutan silang lumabas ng kanilang bahay at pumunta sa mga pamilihan, magkaroon ng sariling mga ari-arian at magpatakbo ng sariling negosyo, at makibahagi pa nga sa mga legal na isyu. Hindi rin sila pinagbabawalan na matutong sumulat at magabasa, maging magkaroon ng isang trabaho na binabayaran. Pero pagdating sa paggawa ng batas, wala silang anumang pakikibahagi.
Relihiyon
Kilala ang mga taga Mesopotamia na may polyteistikong relihiyon. Para sa kanila, ang mga diyos nila ay mga malulupit na panginoon lamang na dapat paglingkuran at katakutan. Mayroon silang mga libu-libong diyos na sinasamba, at bawat isa ay mayroong sariling pari, templo, at mga tagasunod. Bawat siyudad din ay may sariling mga patron.
Trabaho at Libangan
Ang Mesopotamia ay isang agrikultural na sibilisasyon, kaya karamihan sa kanila ay mga magsasaka o kung hindi man ay mga tagpagpastol ng mga hayop o kawan. Ang ilan ay mga mangangaso o kaya ay mangingisda. Sa mga siyudad nagaganap ang mga kalakalan sa pagitan ng mga mangangalakal at mga manggagawa (craftsmen). Hindi lahat ay natutong bumasa dahil sa pagunlad na din ng kanilang wika, karaniwan lang na mga aristokratiko o kaya ay mga bihasang eskriba lamang ang marunong bumasa ay sumulat.
Sa pagunland ng sibilisasyon, ang mga tao ay nagkaroon pa din ng maraming oras para sa libangan. Naimbento ang mga instrumenting pangmusika gaya ng mga tambol, alpa, at plawta. Nakaimbento din sila ng mga palaro na kanilang kinagigilawang panuorin. Ang mga mayayamang lungsod noon ay may sariling istilo ng sining at pagtula.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/442753
https://brainly.ph/question/438949
https://brainly.ph/question/954259