magbigay ng paglalarawan ng kabihasnang sumer

Sagot :

Ang kabihasnang Sumer ay umusbong sa lupain ng Mesopotamia('meso'= pagitan; 'potamos'= ilog, na nangangahulagang lupain sa pagitan ng dalawang ilog at kasalukuyang tinatawag na Iraq at sakop rin ang ibang lupain ng Syria at Turkey.) at ito rin ay matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent. Ang dalawang ilog na dumadaloy dito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates. Ang kabihasnang Sumer ang pinapaniwalaang kauna-unahang kabihasnan sa hindi lang sa Asya, kundi sa buong daigdig. Sila'y umunlad at nakapagtayo ng mga lungsod-estado kung saan ang bawat lungsod estado ay pinamumunuan ng patesi (paring-hari) dahil pinaniniwalaan na sila'y inatasan ng Diyos na mamuno.