Noong unang panahon, may diyosa ng kalikasan na naninirahan sa Mindanao. Ang ngalan niya ay si Minda. MAhilig siyang mamitas ng mga bulaklak at makipaglaro sa mga paru-paru. Masaya siya sa ganitong buhay. Nakikita siya ng mga taga -Mindanao na naglalaro at siyang pinababayaan lang nila. Masaya at matiwasay ang mga taga-roon. Ngunit dumating ang araw nang ang mga ulap at sikat ng araw ay natakpan ng mga nagsisiliparang maiingay na malalaking ibong gawa sa metal. Mga dayuhan ay dumating at lumaspag sa kabundukan at karagatan. Natakot si Minda at nawala siya sa mga lugar na pinagkakalabisan niya. Namuno ang karahasan sa Mindanao at di na muli nakita si Minda sa Mindanao.