Ang panlapi ay ginagamit sa wika at pagsulat upang magbigay ng dagdag kahulugan sa isang salitang ugat. Mayroong iba’t ibang uri ng panlapi at ito ay ang unlapi, gitlapi, at hulapi. Ang mga panlaping ito ay ikinakabit sa unahan, sa gitna, at sa hulihang parte ng mga salitang ugat.
Tingnan ang mga sumusunod:
Salitang ugat ay pasok,
Unlapi – (pa)pasok
Gitlapi – p(um)asok
Hulapi – pasuk(an)