Sagot :
Ang mga gulay na nabanggit sa sa kantang Bahay Kubo
- Singkamas
- Talong
- Sigarilyas
- Mani
- Sitaw
- Bataw
- Patani
- Kundol
- Patola
- Upo
- Kalabasa
- Labanos
- Mustasa
- Sibuyas
- Kamatis
- Bawang
- Luya
- Linga
- Singkamas
Singkamas hugis bilog na may makinis na balat, ang kulay nito ay puti,matubig ang singkamas masarap siyang ihalo sa lumpiang gulay at maging sa mga salad.
- Talong
Ang talong ay may hugis, haba ng kulay ube, ngunit meron din namang pabilog na kulay berde, masarap itong ilahok sa sinigang, ginataan,bulanglang, pero ang pinakamasarap na luto nito para sa akin ay torta.
- Sigarilyas
Ang sigarilyas ay pahaba ang hugis may kanto ang bawat gilid masarap din itong ilahaok sa ginataan at bulanglang.
- Mani
Mani masarap at masustansya ang mani masarap itong nilaga o sinangag, masarap siyang ihalo sa karekare at humba.
- Sitaw
Ang sitaw ay mahahaba at kulay berde na animo ay isang straw ang hugis.pinuputol-putol ito bago iluto o isahog sa mga putahe, masarap siyang adobo,ginisa, panglahok sa sinigang,ginataan at iba pa.
- Bataw
Ang bataw ay kulay berde medyo mahaba at mayroong kulay ube sa gilid ng bunga nito, maari itong ilahok sa ginataan at bulanglang
- Patani
Ang patani naman ay halos kahugis at kamukha ng bataw ang pagkakaiba lang nito ay wala siyang kulay ube sa gilid, at madalas ay ang buto lamang nito ang kinukuha upang ilahok sa mga putahe.
- Kundol
Ang kundol ay bilog haba ang hugis Malaki ang pagkakahawig nito sa gulay na upo, gayon din ang lasa ay halos magkatulad sila.
- Patola
Ang patola ay pahaba ang hugis, merong patola na makinis ang balat, meron din namang merong kantohan na mas matigas ang balat pero parehas parin sila ng lasa.
- Upo
Pahaba ang hugis ng upo, sa lasa at itsura ay magkaparehas lang sila ni kundol, masarap itong ginisa, at pwede ding ilaga.
- Kalabasa
Kalabasa ang kalabasa ay masustansya sinasabing mayaman ito sa protina na nakatutulong ng Malaki sa ating mga mata. Kulay dilaw ang kulay ng laman niya bagin o gumagapang ang puno ng kalabas, maging ang dahon ng kalabasa ay nagugulay o nakakain din.
- Labanos
Ang labanos ay pahaba ang hugis na halos kasing laki ng talong putting puti naman ang kulay ng laman nito, masarap siyang ihalo sa sinigang na lutuin.
- Mustasa
Ang musta ay kulay berde ang dahon, kahawig siya ng petsay ang pinagkaiba lang ay sa kulay ng tangkay ng mustasa na kulay green din samantalang ang petsay ay kulay puti ang tangkay, sa lasa ay Malaki ang pagkakaiba nila ang mustasa ay matapang ang lasa at amoy, masarap ito sa ginataan at buro.
- Sibuyas
Ang sibuyas ay hugis bilog may kulay pulang sibuyas at meron ding kulay puti, pangunahing sangkap sa paggigisa ang sibuyas, kung hihiwain mo ito ay may matapang na amoy na maari kang mapa luha.
- Kamatis
Ang kamatis ay hugis bilo kulay berde kung hilaw at pula kung hinog, masarap itong kainin kahit hilaw,pwedeng ilahok sa mga salad at sa mga lutuin may sabaw.
- Bawang
Ang bawang ay kulay puti at hugis bilog at kumpol kumpol na magkakayakap na butil pangunahing sangkap din sa paggigisa, ginagamit din ng iba na panggamot dahil mayaman daw ito sa natural antibiotic.
- Luya
Ang luya kumpol kumpol at malalapad, mahalang ang lasa nito, kaya naman karaniwang ginagamit sa pagluluto upang maalis ang lansa ng mga karne isada,hipon at iba pa.
- Linga
Maliliit na butil na kulay puti, ibinubudbod sa ibabaw ng mga lutuin na kakanin, iba pang mga putahe.
Ang bahay kubo ay isang awiting pangbata, na nagpapakita ng tunay na pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa pamagat nito na bahay kubo na siya naman talagang katutubong tirahan natin noon,kubo na puno ng mga tanim na gulay sa bakuran. Dahal sa kantang ito nalalaman ng mga bata ang ibat-ibang klase ng gulay, at pwede rin nating hikayatin na kumain sila nito.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Who is the author of bahay Kubo https://brainly.ph/question/1566494