Ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng kabihasnang greek?

Sagot :

Epekto Ng Mga Kabihasnang Minoan At Mycenaean Sa Pag-Usbong Ng Kabihasnang Greek 

                Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.
 
            Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.
            Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek.Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian.
             Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia.Nakilala sila bilang mga Ionian.