ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay.Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Sa bandang huli hindi nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay Noonng 1100 BCE isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa greece at iginupo ang mga Mycenaean Sila ay kinilalang mga Dorian.samantala isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Iona. Nakilala sila bilang mga Ionian. ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang DARK AGE o MADILIM NA PANAHON na tumagal din nang halos 300 taon.Naging palasak ang Digmaan ng mga ibat-ibang kaharian .Nahinto ang kalakalan,pagsasakaat iba pang gawaing pangkabuhayang. maging ang paglago ng Sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.