pagkakaiba at pagkakatulad ng sumer at indus

Sagot :

       Sa mga ilog,lambak nagsimula ang mga kaunaunahang kabihasnan ng Asya. Mga lupaing naaangkop sa pagsasaka upang makapagtanim at maging permanenteng panirahan. Narito ang mga sinaunang kabihasnan.

Ang Kabihasnang Sumer

Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa  katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay  karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari.

Ang Kabihasnang Indus

Sa Timog Asya makikta ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taun taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas na nag iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agrikultural nito .

Kabihasnang Shang

Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito .

  Halos pareparehas silang nagsimula mula sa mayayamang lupain at mga ilog na nakapaligid sa kanila. Ang pagkakaiba ng mga ito mas lubhang itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus dahil sa ito ay biglang naglaho.

Para sa impormasyon sumangguni sa:

https://brainly.ph/question/954398

https://brainly.ph/question/60729

#LetsStudy