Ang Demokratiko ay isang uri ng pamahalaan kung saan tinatawag rin itong pamahalaan ng mga mamamayan sapagkat mas higit na makapangyarihan ang tinig ng nakararaming mamamayan kumpara sa namumuno rito. Sa ilalim ng uri ng pamahalaang ito, ang mga mamamayan ang namimili kung sino ang gusto nilang mamumuno sa kanilang bansa, ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng botohan. Kinikilala at ginagalang ang desisyon ng nakakarami.
Ang mga nahalal na pinuno ng isang bansa ay magiging kinatawan ng buong bayan. Bahagi ng kanilang pananagutan ay ang pagiging matapat sa tungkulin upang muli silang mahalal sa kanilang pwesto. Ang kapakanan ng mga tao ang isinasaalang-alang ng pamahalaan sa bawat magiging desisyon nito.
#LetsStudy
Mga uri ng pamahalaan:
https://brainly.ph/question/99329
Demokratiko ang pamahalaan ng Pilipinas:
https://brainly.ph/question/804158
at iba pang mga bansa:
https://brainly.ph/question/245717