Ano ang konotasyon at denotasyon ng umaalulong , damo , alipato , kabibe , ligaya , at paglalakbay ?

Sagot :

Ang depinisyon o katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o parirala.  May dalawang pamamaraan sa pagbibigay lahulugan ng salita. Una ay ang denotasyon o ang himatong o kahulugang literal o ang direkta o literal na kahulugang nagmumula sa diksyunaryo. Ang ikalawa naman ay ang konotasyon o ang pahiwatig na kahulugan o isang masinig o malikhaing pagpapakahulugan sa isang salita.

Mga Halimbawa:
Denotasyon
·         Umaalulong – umalulong,  aalulong o alulong ng aso
·         Damo—uri ng halaman na makikita sa kapaligiran.
 ·         Alipato—uri ng maliit, kumikinang na piraso ng kahoy na lilipad ang layo mula sa isang namamatay na apoy
 ·         Kabibe— Ang kabibe, kabibi, kapis, o sigay ay isang uri ng matigas at pamprutektang panglabas na balat, kaha, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba't ibang mga hayop, kabilang na ang mga moluska, trepang, krustasyano, pagong, pawikan, at iba pa. Ilan pa sa partikular na mga halimbawa ng mga hayop na may kabibe ay ang mga kuhol, tulya, tahong, at talaba.
·         ligaya –kagalakan o katuwaan
·         paglalakbay—paglipat ng tao mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar

Konotasyon:
·         Umaalulong—ang malungkot na alulong ng aso ay nagpapahiwatig ng balisang pakikipaghiwalay
·         Damo— masamang damo—taong walang magagawang mabuti ·         Alipato—sumisidhing damdamin, nagiging sanhi ng gulo
·         Kabibe—panlabas na kalansay
 ·         Ligaya—pagkatuwa o pagkagalak
·         Paglalakbay—ay isang paglalakbay na puno ng mga aralin, mga kahirapan, pighati, kagalakan, pagdiriwang at mga espesyal na sandali na ganap na naghahatid sa destinasyon ng tao at mga layunin sa buhay. Ang paglalakbay ay ang proseso na pinagdadaanan ng taong nais dagdagan ang kanyang kaalaman at makisalamuha sa ibang tao. Ito ay ang pagkuha ng kaalaman sa bawat pagsubok na kinakaharap natin sa buhay.