Sagot :
Ang unang pagsalakay ng Persia
sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng
Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon , isang kapatagan sa
hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang
humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni
Darius ang tangkang pagpapabagsak sa Athens.
Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga- Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek.
Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga- Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara.