Sagot :
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.Ito ay tumagal mula 800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot