ano ang denotasyon at konotasyon ng damo ??

Sagot :

Ang depinisyon o katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o parirala.  May dalawang pamamaraan sa pagbibigay lahulugan ng salita. Una ay ang denotasyon o ang himatong o kahulugang literal o ang direkta o literal na kahulugang nagmumula sa diksyunaryo. Ang ikalawa naman ay ang konotasyon o ang pahiwatig na kahulugan o isang masinig o malikhaing pagpapakahulugan sa isang salita.
 
Halimbawa:

denotasyon
·         Damo—uri ng halaman na makikita sa kapaligiran.
konotasyon

 ·         Damo— masamang damo—taong walang magagawang mabuti
                            ulilang damo --- taong walang magulang, nag-iisa sa buhay
                           (ang damo ay tao)