ano ang ambag ng imperyong phoenician?

Sagot :

Ang isa sa mahalagang ambag ng imperyong phoenician ay ang alpabeto. Binubuo ito ng 22 katinig at ng mga simbolo mula sa mga tunog. Sa kanila din nagsimula ang konsepto ng kolonya na kung saan ginawang istasyon para sa kalakalan, at ang paggawa ng mga sasakyang pandagat.

Imperyong Phoenician

Ang Imperyong Phoenician ang tinaguriang "tagapagdala ng kabihasnan". mula sa latin na phoenice at greek na phoinikes -"lupain ng lila.“ Nanirahan sila sa baybayin sa pagitan ng Mediterranean sea at Syria. Hindi nila napagtuunan ang pagpapatatag ng pamahalaan at sandatahang lakas. Bumagsak sila dahil sa pananalakay ng mga assyrian sa fertile crescent. Kilala ngayon bilang Syria at Lebanon.

Katangian ng Imperyong Phoenician

  • Magaling mangangalakal at artisano.
  • Nakakagawa sila ng magagandang uri ng produkto.
  • Pinaka magaling na mangangalakal noong sinaunang panahon.
  • Itinuturing na dakilang marino.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:Sino ang pinuno ng phoenician?:https://brainly.ph/question/444932

#LetsStudy