Ang metropolis ay isang siyudad sa
isang bansa na nagsisilbing kapital na lugar nito. Ang lugar na may
pinakamalaking populasyon ang karaniwang tinuturing na metropolis ng isang
bansa. Kadalasan nakabase ang metropolis sa lugar kung saan ang sentro ng
industriya at kabuhayan ng isang bansa.
Sa Pilipinas, ang tinuturing natin na
metropolis ay ang Manila, sapagkat ito ang pinaniniwalaang sentro ng ekonomiya
at lokasyon kung saan may pinakamaraming istrukturang pang-industriya na syang
basehan sa pagtukoy ng metropolis ng isang bansa.