ano napakahalaga yaman na nakukuha sa mga punongkahoy sa kagubatan

Sagot :

        Ang mga kayamanang nakukuha sa kagubataan ay ang iba't ibang uri ng kahoy na ginagawang troso, tabla, plywood at veneer. Malaki ang kinikita ng bansa tulad ng Pilipinas sa pagluluwas ng troso. Ang iba pang mga produkto ng gubat ay ang ratan, uling, nipa, balat ng kahoy na pangulti (tambark), dampol (tam dye), buri, buho, kawayan at dagta o resina.
Ang gubat ay nagsisilbi ring kanlungan ng mamabangis na hayop, tulad ng tamaraw, usa at baboy-damo. Dito rin nanggagaling ang iba pang hayop, tulad ng agila, mga kalapati, unggoy, at maraming uri ng ibon.