Sagot :
Pandiwa, Salitang – Ugat, at Panlapi:
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw, isang pangyayaring naganap, o isang katayuan. Ito ay karaniwang binubuo ng salitang – ugat na nilagyan ng panlapi o nilapian. Samantalang ang salitang – ugat ay tumutukoy sa payak na kataga na nagsasaad ng kilos o galaw. At ang panlapi naman ang idinudugtong sa salitang – ugat upang mabuo ang isang pandiwa.
Mga Halimbawa: Pandiwa Salitang – Ugat Panlapi Uri ng Panlapi
binasa basa -in- gitlapi
minarkahan marka -in-, -han gitlapi at hulapi
nagkwento kwento nag- unlapi
sumama sama -um- gitlapi
tamaan tama -an hulapi
pasayahin saya pa-, -hin unlapi at hulapi
itakda takda i- unlapi
alayan alay -an hulapi
masamain sama ma-, -in unlapi at hulapi
tawanan tawa -nan hulapi
Uri ng Panlapi:
- unlapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa unahan ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
- gitlapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa gitna ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
- hulapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa hulihan ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
Mga Pangungusap:
- Binasa ng abogado ni G. Cruz ang kanyang mga tagubilin para sa kanyang mga naulila.
- Ang aking proyekto sa Filipino ay minarkahan ng guro ng 100%.
- Sinabi ni Lorna na ang kanyang tiyahin si Marie ang nagkwento sa kanya ng tunay na kalagayan ng kanyang ina sa probinsya.
- Sumama ang kanyang pakiramdam matapos marinig ang balita na ang kanyang nakababatabg kapatid ay pumanaw na dahil sa sakit na kanser.
- Ingatan mo ang iyong katawan at palakasin ang iyong resistensya upang hindi ka tamaan ng anumang karamdaman.
- Nais ni G. Armes na pasayahin ang kanyang kabiyak sa araw ng kanialang ika – 20 anibersaryo bilang mag – asawa.
- Dapat lamang na itakda mo na ang araw ng iyong kasal upang magkaroon ka ng sapat na preparasyon para sa espesyal na araw na iyon.
- Alayan natin ng maiki ngunit taimtim na panalangin ang lahat ng mga nagging biktima ng lindol sa Pampanga.
- Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko na kailangan mong maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong hindi mo lubos na kilala.
- Tawanan na lamang natin ang lahat n gating mga suliranin sapagkat ganito talaga ang buhay minsan masaya minsan naman puno ng pasakit.
Tandaan:
Ang mga salitang – ugat na nagsasaad ng kilos o galaw ay tinatawag na payak na pandiwa samantalang kapag ito ay nilagyan ng unlapi, gitlapi, o hulapi ito ay magiging pandiwang maylapi o nilapian. Ang bawat pandiwang maylapi o nilapian ay maaaring magtaglay ng isa hanggang dalawang panlapi.
Uri ng Pandiwa:
- payak
- palipat
- katawanin
Ang payak na pandiwa ay nagsisilbing simuno.
Halimbawa: Labis na mahihirapan ang mga taong tamad.
Ang palipat na pandiwa ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa: Nagluto ng spaghetti si Aileen.
Ang katawanin na pandiwa ay may simuno ngunit walang layong tagatanggap.
Halimbawa: Ang masigasig ay magwawagi.
Tatlong Aspekto ng Pandiwa:
- perpektibo o pangnagdaan
- imperpektibo o pangkasalukuyan
- kontemplatibo o panghinaharap
Mga Halimbawa:
Pandiwa Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibo
manalangin nananalangin mananalangin nanalangin
umasa umaasa aasa umasa
magsaya nagsasaya magsasaya nagsaya
sumayaw sumasayaw sasayaw sumayaw
umawit umaawit await umawit
Ano ang pandiwa: https://brainly.ph/question/416298
Ano ang salitang – ugat: https://brainly.ph/question/133541
Ano ang panlapi: https://brainly.ph/question/568827