Hindi siya titigil hangga’t may Brazilians
na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga
lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan
nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain,
kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan niyang
maisakatuparan.
Ang pagsugpo nang labis na kahirapan, pagbigay ng
priyoridad ng mahabang panahong pagpapaunlad ang ilan din sa mga pangarap ni
Pangulong Rouseff dahil ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga
hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Ang
pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya at pagpapatuloy ng pagpalakas ng panlabas
na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang
pagkawala nito.