HAIKU-Ito ay mas pinaikli kaysa sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod.Maaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
TANKA-Ito ay isang maikling awitin na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.