ano ano ang katangian ng pamahalaang demokratiko

Sagot :

Pamahalaang Demokratiko

Ilan sa mga katangian ng pamahalaang demokratiko:

  • nasa taong bayan o mga mamamayan ang kapangyarihan
  • ang mga pinuno ng pamahalaan ay inihahalal ng taong bayan o mamamayan
  • sa pamamagitan ng halalan (https://brainly.ph/question/300378) ay nagpapasya ang mga mamamayan kung sino ang ihahalal at mamumuno sa bansa o estado
  • kung sino ang pinili ng nakararami ang siyang mamumuno
  • kaya tinatawag din na pamahalaan ng tao (https://brainly.ph/question/223500) ang pamahalaang demokratiko dahil ang mga mamamayan ang nagluluklok sa mga pinuno
  • ang mga pinunong nahalal ay kinatawan ng bayan at tungkulin nila ang kabutihan at kagalingan ng mga mamamayan at may pananagutan din sila

Mga bansang demokratiko

https://brainly.ph/question/245717

#LetsStudy