ano ang nais makamit ni pangulong rousseff sa kanyang pamumuno sa brazil

Sagot :

    Basi sa sipi ng talumpati ni Pangulong Rouseff, may mga nabanggit siyang mga bagay na kanyang nais makamit para sa bansang pinamahalaan. Hindi siya titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan niyang maisakatuparan. Ang  pagsugpo nang labis na kahirapan, pagbigay ng priyoridad ng mahabang panahong pagpapaunlad ang ilan din sa mga pangarap ni Pangulong Rouseff dahil ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya at pagpapatuloy ng pagpalakas ng panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. .