suliranin sa brazil at pilipinas

Sagot :

             Kilala ang Brazil at Pilipinas sa ganda ng industriya at sa urbanisadong lipunan pati na rin sa kagandahan ng kalikasan at likas na  yaman meron ang mga ito. Sa kabila ng mga mabubuting katangian ng mga  bansang ito, laganap pa rin ang kahirapan sa bawat bansa.
           Pangunahing suliranin ng syudad ng Brazil ay ang social disparity o ang hindi pantay-pantay na pagtrato sa bawat mamamayan. Isa ring sosyolohikal na suliranin sa Brazil ang kahirapan ng mga mamamayang naninirahan sa mga natitirang pook na rural sa bansang ito, sinasabing ang kahirapan sa mga lugar na ito ay maihahalintulad sa kahirapan sa Africa at ibang bansa sa Asya. Sa kabilang dako naman, ang Pilipinas ay may mataas na problema ng kakulangan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan dahil na rin sa mataas na antas ng korapsyon ng bansa.