Ang Pagpupulong Lahat ng mga tao ay nagtipon sa Barangay Hall. Ang kinatawan ng Department of Health ay magbibigay ng pangkalusugang impormasyon sa mga tao. Naunang dumating ang mag-asawang Mang Kulas at Aling Myrna.
Aling Myrna: Sino-sino ang mga pupunta sa pulong na ito? 1. Mang Kulas: (Sinuman, Saanman, Bawat isa) ay puwedeng makinig dahil ang impormasyon ay para sa lahat.
Aling Myrna: Ilan pa lang ang taong nakikita ko.
Hindi 2. (lahat, isa, pulos) nakaalam sa pagpupulong na ito.
Mang Kulas: Ayon sa kapitan ng barangay, 3. (saanmang, alinmang, anumang) kanto ng barangay ay may nakapaskil na patalastas kaya lahat makababasa nito.
Aling Myrna: Dapat buong 4. (madla, pulos, lahat) ay dumalo para maiwasan ang pagkakasakit.
Mang Caloy: O Kulas at Myrna, magsisimula na ang programa. Sabi ni kapitan 5.
(sinumang, saanmang, anumang) tanong ay puwedeng sagutin ng kinatawan ng DOH kaya makinig tayo sa mga magsasalita.
Mang Kulas: Marami akong natutuhan sa mga nagsalita. Lahat ay magiging malusog at ligtas kung susundin ang mga pangkalusugang impormasyon na isiniwalat nila.