Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus.

Sagot :

Answer:

Ang kambal ng lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng indus ay ang Harappa at Mohenjo-Daro.

Harappa at Mohenjo-Daro ang kambal na lungsod na matatagpuan sa pagitan ng lambakilog ng Indus. Ang lamba-ilog ng Indus ay nasa parting Timog Asya na pumapalibot sa mga bansang China, India, at Pakistan. Tinatayang noong 3000 BCE nang maitatag at mapaunlad ang kambal na lungsod. Ang mga lungsod na ito ay ang dalawa sa mga pinakamalaking lungsod noong Harappan Civilization. Noong 1920 lamang nadisukbre ang kambal na lungsod, na siya namang ikinamangha ng mga dalubhasa sa kasaysayan. Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay hindi lamang tinawag na kambal na lungsod dahil sila ay magkalapit sa isa’t-isa ngunit dahil sila rin ay maraming pagkakatulad, mula sa pagkakaayos ng kanilang lugar at maging na rin sa sistema.