Ano ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsod estado?

Sagot :

            Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Griyego na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Griyego.