A. Tukuyin kung TAMA - MALI ang pahayag tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal
na sulatin. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang
1. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin
2. Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na bahagi
ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na
maging katakam-takam para sa mga makakakita.
3. Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na
nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang
maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon
4. Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring
makasakit o makapahamak sa mambabasa.
5. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating karaniwang
ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at
mga korespondensiyang pangnegosyo.
6. Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na
makakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.
7. May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na
lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive
summary
8. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang
feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang
negosyo o gawain ​.
9. ang pagsulat sa parang naratibo o ang pag sulat na nagsasalaysay ng kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula ,gitna,at wakas.
10.mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo,katangian,gamit,estilo,presyo at iba pang produkto nais mong ibenta.​