tula tungkol sa linggo ng wika 2015

Sagot :

Ang taunang Buwan ng Wika ay isinasagawa tuwing buwan ng Agosto. Nagyong taong 2015, ito ay may temang : Wikang Filipino ay  Wika ng Pambansang Kaunlaran. Ang padiwang nito ay isinasagawa sa iba't -ibang paraan. Kadalasan ang bawat paaralan ay magkakaroon ng iba't-ibang patimpalak tulad ng balagtasan, slogan, poster at pagsusulat ng sanaysay. Meron ding mga paghahandog tulad ng pagtutula.
Halimbawa ng tula para sa selebrasyon ng Wikang Pambansa:

Ang Wika'y Kailangan dito sa Perlas ng Silangan

Oh bakit nga ba merong wika?
Ika'y makinig, musmos na bata
Ang bansa ay walang saysay kung walang wika.
Malungkot, mapait at walang buhay ang bawat isa.
Sa komunikasyon, walang maggagawa, sa paglalahad
   ay walang bisa.

Kaya't halina at magtulungan
upang wikang Filipino ay uunlad
sa bawat barangay, komunidad at sulok ng bansa.


Ang Wikang Filipino

Ang wikang Pilipino ay ating mahalin.
Ito ang sagisag nitong bansa natin
Binubuklod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.

Wikang Pilipino ay maitutupad
Sa agos ng tubig na mula sa dagat,
Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak.
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.

Oo, pagkat ito'y nauunawaan
Ng wikang Pambansa sa baya'y ituro
Talumpu't dalawang taon sinasapuso,
Ng mga bata, matanda, lalo na ang mga guro.

Napasok na nito'y maraming larangan
Ng mga gawain na pampaaralan,
Transaksyon sa bayan at sa sambayanan

Iya'y lumitaw, na sa mga bayani.
Rizal, Bonifacio, Del Pilar at Mabini
Kaya't kabataan, sikaping mag-ani
Sa sariling bayan ng dangal at puri.