talata tungkol sa bansang pilipinas​

Sagot :

Answer:

Kagandahang Taglay ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansang binubuo ng mga kapuluan o mga isla. Ang bawat kapuluan ay pinagdurugtong ng mga anyong tubig sa paligid nito. Bawat lalawigang bahagi ng mga kapuluan sa bansa ay mayroong mayayamang kulturang kinagisnan, ito ay nagmula pa sa mga sinaunang mamamayan na nanirahan sa Pilipinas.  

Hindi lamang sa kultura mayaman ang Pilipinas gayundin sa mga natural na kayaman na mula sa mga anyong lupat at anyong tubig. Ang mga kalupaan ay binubuo ng mga puno at halaman na nagbibigay ng natural na kagandahan samantalang ang mga anyong tubig ay mayroong masaganang kayamanan tulad na lamang ng mga lamang dagat na iba't iba ang mga uri, hugis, at laki.  

Sadyang napakaraming pisikal na kagandahang taglay ang Pilipinas kung kaya't ito ay isa sa mga bansang sinubukang sakupin ng maraming dayuhan. Isa pang naging kadahilanan kung bakit ang mga dayuhan ay nahuhumaling sa Pilipinas sapagkat ang mga mamamayan ng bansa ay may taglay na kagandahang kaugalian patungo sa mga bisita.  

Mula noon, hanggang ngayon, maraming mga dayuhan ang nais bumalik-balik sa bansa upang masilayan ang kagandahan at kasaganahan ng bansang Pilipinas. Batid sana ng bawat Pilipino ang mga pamamaraan upang patuloy pa itong pagyabungin at pagkaingatan upang mas marami pang henerasyon ang makinabang.

: