bakit first do no harm ang sinasabi ng may akda na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti

Sagot :

Answer:

Ang dahilan kung bakit “first do no harm” ang sinasabi ng may akda. Ito ang unang hakbang sa pagtupad sa mabuti.

Ito ay pinaniniwalaan ng may akda dahil ang pananakit sa pananalita man o pisikal ang pinag-uumpisahan ng maraming kaguluhan sa maraming bagay na hindi mabuti.

Sa bawat pagtatalo ay mayroong nagsisimula at layunin ng may akda na maiwasan ang sitwasyong ito bago pa masimulan. Mula sa pagtatalo ng dalawang indibiduwal hanggang sa digmaan sa pagitan ng mga bansa, nag-uumpisa ito sa isang panig na maaring nanghihimasok, nang-aagaw, namimilit o unang nananakit sa simula.  

Mga halimbawa:

  • Kapag umabuso ang nasa kapangyarihan, maaaring ang mga naapi ay lumaban sa huli.
  • Ang pananakop ng malalaking bansa sa maliit at walang laban na bansa.
  • Ang pagpasok sa bahay ng isang magnanakaw.
  • Ang labis na panglalait sa waiter ng isang matapobreng customer ay maaaring umabot sa gulo.

Ang mga mangyayari kapag nasimulan sa mabuti ang pakikipag-ugnayan sa kapwa:

  1. Magiging malinaw ang pag-uusap
  2. Maiintindihan ang layunin ng bawat panig
  3. Magkakaroon ng respeto sa isa’t isa
  4. Magkakaroon ng maayos na ugnayan and mga panig.

Mahalagang huwag kumalat ang “offensive” na pag-uugali upang maging mabuti ang lahat ng pakikitungo, at bagama’t tila kumakalat ang kawalan ng respeto na nakatago sa mga salita o linya na confidence, keeping it real, o assertiveness, higit na makakabuti na idaan sa maayos na pakikipag-usap upang makaiwas sa gulo.  

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

What is rude in tagalog?   https://brainly.ph/question/76368

Why is it important to respect farmers?   https://brainly.ph/question/701136

Bullying, what is it?    https://brainly.ph/question/1016057