Ang Sining ay tumutukoy sa mga malikhaing gawa ng tao gamit ang kanilang malikhaing pag-iisip. Ang tao ay sadyang may malikhaing pag-iisip, mapatutunayan ito sa mga natatanging likhang sining na makikita sa iba't ibang bansa tulad ng Southeast Asian Arts. Maging ang bansang Pilipinas ay may mga likhang sining na talaga namang maipagmamalaki. Kaya naman sa gawain ito, inaasahang makasusulat ka ng orihinal mong Sanaysay na pumapaksa sa Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa mga Likhang Sining na gawa ng tao. Sa pagsasagawa ng orihinal na Sanaysay ay kinakailangang makita ang iyong sariling palagay o kaisipan at ang simula, gitna at wakas na bahagi.