Answer:
Ang Panahon ng Bato o Stone Age [ Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko).[1][2] Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.[1]