Answer:
Ang dignidad ay isang karapatan ng bawat isa at dapat lang ibigay sa mga tao kahit ano pa ang antas nila sa kanilang buhay, maliban na lamang kung gumagawa sila ng masama sa kapwa at niyuyurakan ang karapatan ng ibang indibidwal.
Ang dignidad ay ang pagbibigay ng respeto sa mga tao upang maipakita na sila ay isang tao na may batayang karapatan sa lipunan.
Ibinibigay din ito ng konstitusyon ng Pilipinas sa kahit kanino kaya mahalaga na mapaigting ang batas at dignidad upang magkaroon ng kapayapaan sa lipunan.
Kapag hindi binibigyan ng dignidad ang isang tao ay maaaring magkagulo at maghimagsik ang indibidwal dahil siya ay niyuyurakan ng karapatan.