Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?

Sagot :

Ang sarsuwela (zarzuela) ay isang uri ng pag-tatanghal o dula na sinasabayan ng musika, kantahan at sayawan. Ito ay ipinakilala at ipinalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas noong taong 1878 ng sakupin nila tayo. Noong una ito ay ginaganapan lamang ng mga Kastila. Pero hindi nagtagal karamihan na ng mga manunulat at tagapag-palabas ay mga Pilipino na.

Ipinatigil ng mga Amerikanong mananakop ang mga sarsuwela noon, dahil ginagamit ito ng mga Pilipino para ipakita ang mga kalupitan at di-makatarungang karanasan na dinanas sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano. At sa pagtatapos ng dula ay ipinapakita na ang mga Pilipino ay nagwawagi laban sa banyagang mga mananakop. Noong taong mga 1920’s lumaganap ang sarsuwela maging sa mga pook rural dahil sa mga sinehan na itinatayo na noon. Nakilala ang Philippine Zarzuela sa katangian nito na komedya o pagpapatawa sa mga manonood. Noong 2011 kinilala ng National Commission for culture and the Arts na isa sa mga pamang kultura ang sarsuwela. Kinilala din ng UNESCO ang sarsuwela bilang pambansang teatro at opera ng Pilipinas.

Noon pa man kinagigiliwan na ng mga Pilipino ang sarsuwela. Kaya makikita natin na napakahalaga na ingatan at pahalagahan natin ang sarsuwela dahil bahagi na ito ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Hindi man tayo ang nagpasimula nito, pero pinagyaman pa rin natin ang sarsuwela sa ating bansa sa sarili nating pamamaraan. Kung ito ay patuloy na iingatn at pagyayamanin, makatutulong ito sa susunod pang mga henerasyon na makilala ang kanilang pinagmulan o pagkakakilanlan bilang Pilipino at ang mayayamang kultura natin.

Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang maga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/442852

https://brainly.ph/question/908149

https://brainly.ph/question/917996

View image Blt003
View image Blt003
View image Blt003