Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Ipaliwanag ang mga nagamit na alegorya (nakatagong mensahe) sa epiko sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa mga diyalogo ng mga tauhan. Isulat sa sagutang papel ang mga ipinahihiwatig nito. 1. "Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay." 2. "Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?" 3. "Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?" 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip." 5. "Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano."​